Alam n'yo ba ang PhilHealth Konsulta Package? Ito ay isang pinalawak na benepisyo sa pangunahing pag-aalaga (primary care) mula sa PhilHealth para sa lahat ng mga Pilipino!
"Sino ang maaaring mag-avail ng benepisyo?"
Sinuman ay maaaring mag-avail ng PhilHealth Konsulta Package sa pamamagitan ng pagpaparehistro sa isang accredited facility, tulad ng TeleCure Medical and Diagnostic Center.
Ang package ay sumasaklaw sa malawak na hanay ng mga serbisyo, kasama ang primary care consultations, health screening and assessment, mga piling diagnostic services, at mahahalagang gamot.
Sa TeleCure Medical and Diagnostic Center, ipinagmamalaki namin na maging isang accredited na PhilHealth Konsulta facility, na nag-aalok ng de-kalidad na serbisyo upang matulungan kang pangalagaan ang iyong kalusugan at kagalingan.
"Paano nga ba magparehistro sa isang PhilHealth Konsulta facility?"
Mayroong dalawang (2) paraan upang magparehistro:
Self-registration
Mag-log in sa Member Portal o Member Online Registration sa pamamagitan ng PhilHealth website.
Pumunta sa Konsulta at piliin ang TELECURE MEDICAL AND DIAGNOSTIC CENTER bilang Konsulta Provider
Assisted registration sa alinman sa mga sumusunod, kung saan angkop:
Kasalukuyang Employer
Social Worker ng PhilHealth Konsulta Facility
Local Government Unit (LGU) / Office of the Senior Citizen Affairs (OSCA)
PhilHealth Local Health Insurance Office (LHIO)
PhilHealth Customer Assistance Relations and Empowerment Staff (PARES)
PhilHealth Corporate Action Center Hotline (02) 8441-7442
"Paano mag-avail ng benepisyo?"
Upang mag-avail ng mga benepisyo, sundin ang mga simpleng hakbang na ito:
Magparehistro sa TeleCure Medical and Diagnostic Center.
Kunin ang Authorization Transaction Code (ATC) sa pamamagitan ng PhilHealth Member Portal, PhilHealth Local Health Insurance Office, PhilHealth Customer Assistance Relations and Empowerment Staff na naka talaga sa PhilHealth Accredited Facilities, o Corporate Action Center Hotline (02) 8441-7442.
Dalhin ang iyong ATC sa TeleCure. Kung walang ATC, maaaring pa ring pumunta sa TeleCure.
Magsasawaga ang TeleCure ng konsultasyon, health screening, assessment, at pagreseta ng gamot kung kinakailangan.
Isumite ang Electronic Konsulta Availment Slip (eKAS) at/o Electronic Prescription Slip (ePresS) na ginawa ng aming pasilidad.
Sa TeleCure Medical and Diagnostic Center, nag-aalok kami ng malawak na hanay ng mga serbisyo at makabagong pasilidad upang tugunan ang iyong mga pangangailangan sa kalusugan. Ang aming mga propesyonal na medical staff ay nakatuon sa pagbibigay ng pinakamahusay na pangangalaga.
Piliin ang TeleCure Medical and Diagnostic Center bilang iyong PhilHealth Konsulta Facility ngayon!
Magparehistro sa amin ngayon, at samantalahin ang PhilHealth Konsulta Package upang mapabuti ang iyong kalusugan at kagalingan. Tandaan, maaaring may dagdag na bayarin para sa mga pribadong pasilidad tulad ng sa amin, ngunit ang de-kalidad na pangangalaga at pansariling pagbibigay-pansin ay sulit sa bulsa.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang aming website, facebook page, o tumawag sa amin sa +639171835980 or (02) 7003-0622. TeleCure Medical and Diagnostic Center – ang iyong katuwang sa de-kalidad na pangangalagang pangkalusugan.
Comments