top of page

Ang 'Walking Pneumonia': Pag-unawa, Pag-diagnose, at Tamang Pag-gamot

Writer's picture: TeleCure CorporationTeleCure Corporation

consultation, konsulta, telemedicine, walking pneumonia, mycoplasma, pneumonia, X-ray

Ano ang 'Walking Pneumonia?

Ang 'walking pneumonia,' o atypical pneumonia sa medikal na terminolohiya, ay isang uri ng pulmonya na sanhi ng bakterya na Mycoplasma pneumoniae. Ito ay tinatawag na 'atypical' dahil ang mga sintomas nito ay iba sa mas seryosong uri ng pulmonya. 'Walking' dahil ang taong mayroon sakit na ito ay naka-lalakad pa samantalang sa chest X-ray ay kakikitaan ito ng impeksyon sa baga.


Mga Karaniwang Sintomas

Ang mga sintomas ng walking pneumonia ay maaaring kabilangan ng:

  • Ubo na hindi produktibo (dry cough)

  • Bahagyang lagnat

  • Sakit ng ulo

  • Pagod o panghihina

  • Sakit ng lalamunan


Bakit Mahalaga ang Konsultasyon sa Doktor?

Maraming Pilipino ang may ugali ng self-medication, lalo na sa paggamit ng antibiotics tulad ng Amoxicillin. Subalit, mahalagang malaman na ang Mycoplasma pneumoniae ay hindi tinatablan ng karaniwang antibiotics dahil wala itong cell wall, na karaniwang target ng mga antibiotics tulad ng Amoxicillin.



consultation, konsulta, telemedicine, walking pneumonia, mycoplasma, pneumonia, X-ray

Paano Ito Madiagnose?

Ang tamang diagnosis ay mahalaga at ito ay nangangailangan ng konsultasyon sa doktor. Ang doktor ay maaaring magrekomenda ng chest X-ray at specific laboratory tests para matukoy kung ang sanhi nga ba ng pulmonya ay ang Mycoplasma pneumoniae.


Tamang Paggamot

Ang tamang paggamot sa walking pneumonia ay nangangailangan ng specific na uri ng antibiotics, tulad ng mga macrolides (ex. azithromycin), florouqunilones, at tetracyclines. Mahalaga na sundin ang payo ng doktor para sa tamang dosis at haba ng paggamot.


Paano Ito Maiiwasan?

Ang pag-iwas sa walking pneumonia ay kinabibilangan ng:

  • Regular na paghuhugas ng kamay

  • Pagtakip ng bibig at ilong kapag umuubo o bumabahing

  • Pananatili sa malusog na pamumuhay para palakasin ang immune system


consultation, konsulta, telemedicine, walking pneumonia, mycoplasma, pneumonia, X-ray

Kahalagahan ng Bakuna

Ang pagpapabakuna, lalo na laban sa trangkaso (influenza vaccine), ay mahalaga din. Bagaman hindi ito direktang proteksyon laban sa Mycoplasma pneumoniae, ito ay makakatulong na palakasin ang pangkalahatang resistensya ng katawan laban sa iba't ibang respiratory infections.


Konklusyon

Ang walking pneumonia ay isang kondisyon na hindi dapat balewalain. Ang tamang konsultasyon, diagnosis, at paggamot ay susi para sa mabilis na paggaling at pag-iwas sa mas seryosong komplikasyon. Tandaan, ang pagiging maalam at responsableng pag-aalaga sa ating kalusugan ang pinakamahusay na paraan para maprotektahan ang ating sarili at ang ating komunidad.



1,149 views1 comment

Recent Posts

See All

1 Comment


aqwindowsseo
Jan 04, 2024

Informative article! Walking pneumonia can be concerning. At Affordable Quality Windows Limited, we prioritize health and comfort. If you're recovering at home, having quality windows like those www.affordablequalitywindows.co.uk can contribute to a peaceful environment for recuperation. Thank you for shedding light on this topic!


Like
bottom of page